• Radyo Pilipino News Team

Dating Manila Archbishop Tagle, Promoted Bilang Cardinal-Bishop sa Roma

Iniwan ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bansa matapos siyang italaga ni Pope Francis na Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples at Cardinal-Bishop o ang pinakamataas na ranggo ng isang Cardinal sa simbahan.

Ang 62 taong gulang na obispo ang unang Pilipino na humawak sa posisyon at kasalukuyang highest ranking Filipino bishop sa kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon kay rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma na si Father Greg Gaston, ang mga cardinal-bishops ay nagsisilbing malapit na taga-payo ng Papa.

Si Cardinal-Bishop Tagle ay isa na ngayon sa 11 cardinal-bishops sa Vatican.