top of page

Dating Tricycle Driver, Naging PBA at MPBL Player


Photo from Facebook/marionlelouch.wilson.

Kung mataas ang pangarap siguradong maabot at magtatagumpay. Tulad ng player na si John Wilson na hindi niya akalain na mararating ang tagumpay, bagamat masalimuot ang buhay niya.

Lumaking hindi nakilala at di nakita ni Wilson ang ama na magpa hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng player ang ama na foreigner.

Tubong Binangonan Rizal ang player ng Jose Rizal University (JRU). Tricycle driver ang player sa kanilang lugar at walong buwan rin siya naging laman ng kalye sa pamamasada.

Sa taas ng pangarap ng 6'2 player ay nag-tryout siya sa JRU at blessing natanggap siya upang maging varsity player ng University at naging star player ng JRU at NCAA.

Sumama siya PBA Draft noong 2010 at first pick, no. 7 over all siya ng Ginebra San Miguel. Naging maganda naman ang laro ni Wilson na gumawa ng pangalan sa ilalim ng Gin Kings. Nung 2012 nailipat siya sa Air21 Express, 2013 Meralco Bolts, 2015 sa Nlex Road Warriors.

Pagkatapos ng PBA career niya ay kinuha siya ng team San Juan Knights ni coach Randy Alcantara, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Sa Liga ni Senator Manny Pacquiao, nag champion ang Knights noong isang taon. Binigyan sila ng champion ring ng MPBL.

Maligaya ngayon ang pamilya ni John Wilson sa tinatamasang kaginhawaan ng buhay. Mula sa Binangonan Rizal, nasa Mandaluyong City naman nakatira ang asawa’t anak ng basketball player.


bottom of page