Davao, Kinilala bilang Cacao Capital ng Pinas

Opisyal ng kinilala ng Department of Agriculture (DA) ang Davao City bilang Cacao Capital ng Pilipinas.
Ito ang tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar, kasunod na rin ng patuloy na pananatili ng siyudad bilang top producer ng cacao beans sa buong rehiyon.
Magugunitang nitong nagdaang taon, nakapag angkat ang Davao City ng 2,289.74 metric tons (MT) ng cacao o katumbas ng 38 porsiyentong regional share nito.
Napag-alamang kasama sa limang iba pang probinsiya sa rehiyon na kinabibilangan ng Davao del Sur, Davao de Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, at Davao Oriental, ang kabuuang kontribusyin ng rehiyon sa national production nitong nagdaang 2019 ay umabot ng 5,960.23 MT o 70.21 porsiyento ng total national output.
Ginawa ang deklarasyon kaalinsabay ng pananatiling consistent ng produksyon ng high-quality beans mula sa Davao region.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula 2015 hanggang sa kasalukuyan, ang regional yield ay nag co-contribute ng tinatayang average na nasa 80 porsiyento ng kabuuang volume na naiaangkat sa buong bansa.
Kasunod nito, hinimok ni Dar ang mga stakeholders at maging ang pribadong sektor na ipagpatuloy ang partnership sa pamahalaan kasunod ang pagbibigay ng katiyakan ng suporta sa pagpalatuloy ng Davao bilang “exporting capital” ng Pilipinas at makagawa ng mga livelihood programs.
“Aside from cacao, Davao has much local agricultural produce that are brought to the global market,” saad ni Dar.
“Let us work together towards a food-secure and resilient Philippines,” dagdag pa ni Dar.
Nabatid na ang Davao cacao beans ay napili kamakailan bilang isa sa top 50 samples ng 2017 Edition of the Cocoa of Excellence Programme, ang entry point para sa International Cocoa Awards sa Paris, France.
Kinilala rin bilang isa sa World’s best ng mga chocolate makers mula sa America, Japan, at Europe. --- By: BENEDICT ABAYGAR, JR.