• Tj Ovivir

Death Penalty Gamit ang Lethal Injection, Planong Buhaying-Muli ni Pangulong Duterte


President Rodrigo Roa Duterte, delivering his 5th SONA. Photo from pcoo.gov.ph.

Sa kaniyang katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA), buong tapang na ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagnanais na buhaying-muli ang capital punishment o death penalty sa pamamagitan ng lethal injection.

Ayon sa pangulo, layon niyang ilagay sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang death penalty by lethal injection bilang parusa sa mga kasong kriminal na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.

Suportado ng Pangulo ang Death penalty dahil naniniwala siya na magbibigay ito ng takot sa mga kriminal.

Samantala, matatandaang isa din sa mga highlights ng kaniyang SONA noong nakaraang taon ang reimposition ng capital punishment.