top of page

Delivery App sa US, may Kakaibang Market Strategy

Nagulat ang isang pizza restaurant owner sa US nang makitang mas mura ang presyong sinisingil ng DoorDash, isang delivery application, para sa kaniyang produkto kaysa sa actual price nito pero binabayaran pa rin ang app ang buong presyo sa restaurant.

Ang pizza na ibinebenta niya sa halagang $24 ay nakaadvertise lamang sa halagang $16 sa DoorDash.

Ayon kay Content Strategist Ranjan Roy, natuklasan nila na nagsasagawa ng isang ‘demand test’ ang app upang masukat ang customer demand makakuha ng positibong order data na siyang gagamitin upang makumbinsi ang mga restaurant na pumirma ng ugnayan sa platform.

Ang DoorDash ay pinopondohan ng investment giant Softbank na nag-post ng record-breaking na pagkalugi ng halos $13 Billion ngayong linggo.



bottom of page