top of page

DENR, Idiniin ang mga Benepisyong Dapat Tanggapin ng mga Garbage Collectors sa Panahon ng Pandemya



Sa panayam ng Radyo Pilipino sa programa Pulsong Pinoy, ipinahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na nakikipag-ugnayan ang kalihim sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang mabigyang-pansin ang mga garbage collectors na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis.

Ayon sa kaniya, dapat bantayan ng DILG ang mga garbage collectors at siguraduhin ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na mga personal protective equipment (PPE) at face masks.

Gayundin, itinawag pansin ng DENR Usec ang mga Local Government Units (LGUs) na hindi nagpoprotekta at nagbibigay ng mga angkop na benepisyo para sa mga garbage collectors sa kani-kanilang mga lungsod.

Ayon din kay Antiporda, makikipag-ugnayan ang DENR sa National Solid Waste Commission upang makapagpatupad ng charges laban sa mga lokal na pamahalaan na hindi nagbibigay prayoridad sa mga garbage collectors nito.

bottom of page