• Admin

Department of Finance, Nagbabala sa mga Virtual Investment Scam na Nagkalat Online

Inanunsyo ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Antonio Lambino na dapat maging alerto ang mga netizen sa isang article na kumakalat ngayon online na hinihikayat ng gobyerno ang mga Pilipino na mag-invest digitally.

Direktang kinondena ni Lambino ang impormasyon na ito na pinangalanang Bitcoin Lifestyle kung saan lumalabas dito na kinukumbinsi ni President Rodrigo Duterte ang mamamayan na subukan ang ganitong pamamaraan.

Samantala, sinabi rin niya na makabubuting ireport ng sinuman ang kahit anong investment schemes at na mariing binabantayan ng DOF sa iba't ibang online platforms nang mga gagawa ng ganitong modus.