• Tj Ovivir

Department of Finance Tiniyak na Walang Panibagong mga Buwis sa Darating na Taon


Kahit na dumadaan sa butas ng karayom ang gobyerno upang makabangon sa mga pinsala na dulot ng COVID-19 pandemic, tiniyak ng Depertment of Finance na hindi magdadagdag ang pamahalaan ng panibagong uri ng buwis sa darating na taon.

Ipinahayag ni Secretary Carlos Dominguez III na hindi magkakaroon ng tax increase kahit pa mangangailangan ng P4.2 trillion national budget para sa 2021.

Samantala, kahit nakasaad sa Tobacco Tax Law na magsisimula ang pagtaas ng excise tax para sa cigarettes ngayong 2020, sinabi ng DOF na hindi ito isinasaalang-alang ng mga kinauukulan.