top of page

DepEd Curriculum, Sasailalim sa Pagbabago

Bilang paghahanda sa muling pagbubukas-klase ng mga paaralan sa ika-24 ng Agusto, ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon ng pagbabago sa basic education curriculum bunsod ng kasalukuyang kalagayan ng bansa na dala ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa ahensiya, lumikha sila ng isang Learning Continuity Plan (LCP) na gagarantiya sa kalusugan at kaligtasan ng mga guro, estudyante, at personnel habang sinisiguro pa rin ang patuloy na pagbibigay ng edukasyon sa mga estudyante.

Sinabi ng DepEd na kinakailangan ang mga pagbabagong ito upang umangkop sa ‘new normal’ na haharapin ng bansa mula ngayon.



bottom of page