• Tj Ovivir

DepEd, Maglalaan ng Iba't Ibang Allowance at Benepisyo sa mga Guro ngayong Taon


Bilang paghahanda sa darating na pasukan, nag-anunsyo at naglabas ang Department of Education (DepEd) ng listahan ng mga allowance at iba't ibang benepisyo na matatanggap ng mga guro para sa school year 2020-2021.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, ilalaan ang P400 million na budget ng kagawaran para sa P500 each na allowance para sa annual medical examination ng mga teachers, gayundin ang P900 million fund para sa World Teacher's Day benefit na P1,000 sa October 5 na siya ding first day ng pagbubukas ng klase ngayong taon.

Dagdag pa ni Sevilla, makatatanggap ng P500 per day na hazard pay ang mga empleyado na magtatrabaho sa mga ECQ o MECQ areas sa ilalim ng Administrative Order 26.