Deped, Naglabas ng Bagong School Calendar para sa Darating na Pasukan

Matapos ipagpaliban ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng eskwela ngayong Agosto at napagpasyahang ilipat na lamang ito sa ika-5 ng Oktubre ngayong taon ay naglabas ng panibagong school calendar ang kagawaran ngayong pasukan.
Mula sa “Handang Isip, Handa Bukas” virtual press briefing ng ahensya, inilahad ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio ang magiging daloy at aktibidad ngayong school year.
Magsisimula ang unang klase ngayong October 5 at magtatapos sa June 16, 2021, ayon kay San Antonio.
Ani Antonio, ipinagpaliban man ang araw ng pagbubukas ng klase ngayong buwan ay makatutulong parin ito upang mas paigtingin ng ahensya ang mga hakbang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa.