DepEd, Nilinaw na Hindi pa Sigurado ang Extended Class Hours


Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na wala pang kasiguraduhan ang pagpapatupad ng extended class hours sa magiging blended o distance learning ngayong pasukan na tatagal mula anim hanggang walong oras kada araw.

Ayon sa DepEd, wala pang opisyal na anunsyo patungkol sa itatagal na oras ng pag-aaral kada araw ng isang mag-aaral sa paparating na pasukan gamit ang blended o distance learning sapagkat ito’y pag-uusapan pa lamang.

Inaasahan naman ng ahensya ang maayos na daloy ng klase sa darating na pasukan ngayong Oktubre sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.