DepEd, Tatanggap parin ng Late Enrollees Hanggang Nobyembre


Tatanggap parin ng late enrollees ang Department of Education hanggang Nobyembre sa darating na pasukan bilang tulay upang bigyan ng pag-asa ang mga mag-aaral na makapasok at makapaghanda pa sa pagsisimula ng klase ngayong Oktubre.

Bagama’t iniurong na ang araw ng pagsisimula ng klase sa buwan ng Oktubre ay tatanggap parin ng late enrollees ang kagawaran hanggang Nobyembre, paglilinaw ni Education Undersecretary Jess Mateo sa isang press coference nitong Miyerkules.

Umabot na sa tinatayang 22.2 milyong kabuuang bilang ng mga bata ang enrolled na sa mga pampublikong paaralan habang 2.02 milyong kabuuang bilang naman sa mga pribadong eskwelahan sa buong bansa.