• Tj Ovivir

Deployment ng mga OFWs sa Susunod na Dalawang Taon, Kailangan para sa Ekonomiya


Upang magpatuloy ang pag-ikot ng ekonomiya, kailangang mag-deploy ng libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) sa susunod na dalawang taon, ayon sa isang brief policy ng Ateneo de Manila University.

Ayon kina Ateneo economist Geoffrey Ducanes at Social Weather station fellow Alcestis Mangahas, kahit pa nasa kalahating milyon ang mga repatriated na OFWs, inaasahan pa ding nasa milyon-milyong trabahahor na Pilipino ang kailangan sa iba't ibang bansa.

Pero dapat daw asahan ng mga Pilipino ang mas mababang mga sahod, at less benefits para mapreserve ang kanilang mga trabaho.

Kinakailangan ding maghintay ang mga OFWs hanggang maging stable na ang kalagayan ng mga kumpanya sa ibang bansa.