top of page

Desert Locusts Plague sa India at Pakistan, Patuloy na Pinangangamabahan


Photo from global.chinadaily.com.cn.

Naaalarma sa ngayon ang mahigit sa 24 na distrito sa India at ang 38% ng mga probinsiya sa Pakistan matapos magkaroon ng pag-atake ng mga desert locusts o balang na nakapipinsala sa mga pananim.

Ito’y ayon sa ulat ng Food and Agricultural Organization (FAO) ng United Nations.

Bagaman may iringan sa pagitan ng dalawang bansa, pinagpasyahan ng mga ito na magkasamang labanan ang locust plague sa pamamagitan ng Skype meetings, na itinuturing na pinakamalaking pag-atake ng mga balang sa loob ng tatlong dekada.

Sinabi ni KL Gurjar, deputy director ng India's Locust Waning Organization na patuloy na kinakain ng mga balang ang mga pananim, dahon, prutas, at mga halaman na katumbas ng 35, 000 katao.

Samantala, binanggit naman ni Anshu Sharma ng Sustainable Environment and Ecological Development Society na kailangan mas maging alerto at mapagbantay ang mga bansang ito sa mga susunod na buwan lalo na't nasa gitna ang mundo sa krisis ng COVID-19 at posibleng magkaroon pa ng heat wave.

bottom of page