Dexamethasone, Natuklasan ng mga Eksperto Bilang Pinakamabisang Gamot Laban COVID-19


Photo is for illustration purposes only.

Natuklasan na ng mga eksperto ang pinakamabisang panlaban sa coronavirus disease 2019 matapos ang iba’t ibang trial testing na ginawa sa buong mundo – ang Dexamethasone, isang low dose steroid na nakakapagpabawas sa panganib ng isang COVID-19 patient na malubha at kritikal na ang kondisyon mula sa sakit.

Ang Dexamethasone drug ay dumaan sa biggest trial testing sa buong mundo na pinag-aaralan ang mga existing treatments na potensiyal gamitin bilang panggamot sa COVID-19 kabilang na dito ang Hydroxychloroquine at iba pa.

Kinikilala ng mga eksperto at mananaliksik ang nasabing gamot bilang first life-saving drug at major breakthrough laban sa COVID-19 na kasalukuyang lumalaganap sa buong mundo.

Samantala, wala paring partikular na treatment o nadidiskubreng bakuna laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit hanggang ngayon.