top of page

DICT, Isinulong ang P13.4B National Internet Connectivity Project


Inanunsiyo ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na aabot sa P13.4 billion ang isinusulong na 2021 national broadband program (NBP) ng ahensiya.

Nahahati sa anim na bahagi ang proyekto: National Fiber Optic Cable (FOC) Backbone, Cable Landing Stations, Accelerated Tower Build, Accelerated Fiber Build, Satellite Overlay, at Broadband Delivery Management Service.

Nilalayon ng NBP na mapalawig at makapagbigay ng internet connectivity services sa lahat ng parte ng bansa.

Bilang parte ng pangalawang yugto ng NBP, nakapagtayo na ang DICT, kasama ng Bases Conversion Development Authority, ng Cable Landing Stations sa Baler, Aurora, at Poro Point, La Union.

Nilalayon din ng national broadband project na palitan ang mga ICT equipment sa tinatayang 3,000 Government Network (GovNet) sites na nagkokonekta sa mga government agencies sa bansa.

Binigyang-diin ni DICT Secretary Gringo Honasan II ang importansiya ng proyekto at sinabing bubuhayin nito ang pakikilahok ng Pilipinas sa global digital economy.

bottom of page