Digital Literacy Training sa mga Senior Citizens at Ilaw ng Tahanan, Isusulong ni Sen. Angara

Nais ipanukala ni Senator Sonny Angara ang pagbibigay ng kinakailangang digital skills training para sa mga Pilipinong may-edad na, gayundin sa mga ilaw ng tahanan, bunsod narin ng paggamit ng modernong teknolohiya bilang bahagi ng araw-araw na pamumuhay sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Senator Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance, may mga bansa gaya ng Sweden ang nagbibigay ng ganitong pagsasanay para ipakitang maaari pa rin maging produktibo ang mga may-edad na kahit maaga silang nag-retire.
Sinabi rin ng senador na makatutulong ito upang makahanap ng trabaho online ang nga seniors na hindi humihiling ng maraming working hours, na akma lamang sa mga may-edad at mga okupadong housewives.
Noong Mayo, matatandaang inihain sa senado ni Angara ang Senare Bill 1469 na naglalayong paigtingin at palawakin ang digital careers sa bansa.