top of page

DILG, Hinimok na Paalalahanan ang LGUs na Bigyan ng Hazard Allowance ang mga BHWs


Baranggay or local government talk to members of the community during the lock down due to Covid 19 virus outbreak.

Hinimok ni Barangay Health Workers (BHWs) partylist Representative Angelica Natasha Co ang Department of Interior and Local Government (DILG) na paalalahanan ang mga Local government units (LGUs) na bigyan ang mga manggagawa ng barangay ng kinakailangang hazard allowance sa kalagitnaan ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Ani Co, sa ilalim ng Administrative Order No. 26 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, nakapaloob ang hazard pay na dapat nakalaan para sa mga BHWs na isa rin sa mga may mahahalagang tungkulin ngayong panahon ng pandemya.

Ayon sa datos, mayroon tinatayang 30% ng mga BHWs sa buong bansa ang hindi pa nakakatanggap ng naturang allowance mula sa kani-kanilang LGUs.

Dagdag ni Co, maliban sa honorarium na natatanggap ng mga health workers ng bawat barangay ay kabilang rin ang hazard pay mula sa gobyerno.

bottom of page