DILG, Inatasan na Subaybayan ang COVID-19 Patients na Sumasailalim sa Home Quarantine


Inatasan ng Department of Health (DOH) ang Department of Interior and Local Government (DILG) na subaybayan o imonitor ang mga COVID-19 patients na asymptomatic o mayroong mild symptoms na kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, noon pa man ipinatutupad na ang panukala ng ahensya sa DILG – otorisado ang local officials at barangay health emergency response teams sa pag-monitor ng mga pangyayari sa kanilang nasasakupan partikular na ang mga pasyenteng sumasailalim sa home quarantine.

Pinapayagan ng DOH ang home quarantine bilang temporary treatment at monitoring facility ng ilan sa mga pasyente basta’t nasusunod lamang ang mahigpit na guidelines at protocol mula sa ahensya upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.