DILG, Ipinagbawal na ang Christmas Caroling ng mga Bata Ngayong Pasko


Ngayong patuloy ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa buong bansa, iniutos ng Department of Interior and Local Government ang pagbabawal ng Christmas caroling ngayong nalalapit na ang Pasko.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, batay sa pag-aaral ay mas malaki ang posibilidad na ma-acquire ang pagkalat ng COVID-19 sa pagkanta gaya ng pangangaroling sapagkat kinakailangan ng mga itong tanggalin ang suot na face masks upang mas malinaw na mapakinggan na siyang maging sanhi ng pagkahawa

Buo naman ang suporta ni Joint Task Force Against COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar sa pagbabawal ng Christmas caroling ngayong darating na Pasko dahil aniya ay hindi tiyak ang kaligtasan ng mga bata sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng tao.