DILG Sec. Año, Hinihikayat ang Pagsusuot ng Face Masks sa Loob ng Tahanan


Kadalasang isinusuot ang face masks sa mga pampublikong lugar ngunit para kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ay mas mainam kung ito rin ay suot sa loob ng tahanan matapos ang naitalang kaso ng COVID-19 mula sa mga miyembro ng pamilya.

Bukod sa pagsusuot ng face masks ay inabisuhan din ang publiko ng kalihim sa tamang paggamit ng face shields na hindi lamang sa mga public utility vehicles (PUVs) kundi pati na rin sa mga pampublikong lugar gaya ng palengke, ospital at quarantine facilities bilang karagdagang proteksyon kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag ni Año, parating panatilihin ang physical distancing maging sa loob ng mga tahanan lalo na sa mga miyembro ng pamilyang lumalabas upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw araw.

Nilinaw naman ni Año na otorisado ang mga local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng mga polisiyang ito.