Dine-Capacity ng mga Restaurant at Fastfood sa GCQ at MGCQ Areas, Tataasaan sa Susunod na Linggo

Isinusulong ng Department of Trade and Industry (DOH) ang pagpapataas ng operating capacity ng mga restaurant at fast food chain sa mga lugar na nasa ilalim ng General community quarantine at Modified general community quarantine simula sa susunod na linggo.
Ayon sa anunsyo ni DTI Secretary Ramon Lopez, planong baguhin ang dine-in services ng mga establisyimento mula 30% hanggang 50% capacity sa ilalim ng GCQ at mula 50% hanggang 75% naman para sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ simula ngayong July 21.
Ang pagtaas ng operating capacity ng mga naturang establisyimento sa mga lugar na mas pinaluwag ang restriksyon ng quarantine ay isang hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang ekonomiya ng bansa sanhi ng pandemyang kinakaharap.
Samantala, hinihimok naman ni Lopez ang mga local government units na pahabain pa ang oras ng kanilang curfew hanggang 12 ng hating gabi upang makapag-operate ang mga restaurant at fastfood chain hanggang 10 o 11 ng gabi.