top of page

Dine in Customers sa mga Karenderya, Pwede Na


Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga karenderya at kainan sa mga lugar na nasa ilalim ng General community quarantine na tumanggap ng mga dine-in customers basta’t nasusunod ang mga health protocols ng ahensya.

Matapos payagan ng IATF ang mga restaurants ay isinunod nito ang karenderya, kainan at maliliit na food business para tumanggap ng mga dine-in customers.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo dapat mahigpit parin na nasusunod ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at 30% capacity upang maiwasan ang dagsaan ng mga tao.

Hinikayat naman ni Castelo na magdala na lamang ng kanilang sariling utensils at bottled water ang mga dine-in customers sa mga pupuntahang karenderya at restaurant.

bottom of page