Dine-In Food Establishments, Mas Matagal na ang Operating Hours

Mas mahaba na ang operating hours ng mga dine-in food establisments matapos mag-isyu ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force na pinapayagan ang mga establisyimentong ito na magbukas hanggang 9 p.m.
Ayon sa IATF Resolution No. 48, pinapayagan ang mga restaurants, cafes at bars na mag-operate nang hindi lalagpas sa 30 percent capacity upang mapanatili ang mahigpit na panuntunan sa social distancing at gayundin ang mga prescribed protocols mula sa
Department of Trade and Industry (DTI).
Kasunod nito ay binago na rin ng IATF ang curfew hours, magsisimula na ito tuwing 10 ng gabi hanggang 5 ng umaga kaya naman extended din ang operating hours ng mga dine-in food establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.