• Estephany Rivera

Diving spots sa Pinas, Hinirang na ‘Most Surprisingly Spectacular’ sa Buong Mundo


Moalboal, Cebu, Philippines.

Ilang dive spots sa Pilipinas ang hinirang na ‘most surprisingly spectacular’ sa buong mundo ng Lonely Planet, isang multimedia travel guidebook company.

Sa artikulo ng travel guidebook, pinangalanan ang tourist destinations na Tubbataha Reefs, National Park, Puerto Princesa City diving spots, at Moalboal sa Cebu bilang “Gems to be found underwater around the globe.”

Kamakailan lamang ay nanalo ng first place ang Pilipinas sa Best Diving Area overseas category sa Marine Diving Fair, ang pinakamalaking dive event ng Japan.