top of page

DIY Quarantine Facility, Itinayo sa Masbate


Photo by Al Gueta

Dahil sa pagtutulungan at malasakit ng mga residente ng Barangay Mababangbaybay sa Claveria, Masbate ay naging posible ang pagpapatayo ng kanilang do-it-yourself quarantine facility na isa sa mga hakbang ng gobyerno upang masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan ng paggamit ng kawayan bilang pangunahing materyal.

Itinayo ang pasilidad sa liblib na lugar ng barangay kung saan mahigpit na oobserbahan ng mga otoridad kung nagpapakita ng sintomas mula sa sakit ang mga umuwi sa loob ng 14 na araw bago sila makalabas.

Higit na kailangan ngayong panahon ng pandemya ang pagkakaroon ng sapat na quarantine facility sa bawat probinsya ng buong bansa para sa mga nagnanais na makauwi sa kani-kanilang bayan at doon na lamang ipagpatuloy ang buhay.

Bagama’t nasa kalagitnaan ngayon ng krisis ang bansa, hindi ito naging hadlang para manatili ang diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa ng mga residente sa Claveria, Masbate.

Sa ngayon, walang pang naitatalang kaso ang bayan ng Claveria sa Masbate mula sa coronavirus disease 2019 kaya naman ibayo ang pag-iingat ng mga residente dito.

bottom of page