top of page

DOA, Mag-aangkat lang ng mga Produktong Wala sa Bansa


Dahil sa patuloy pa din na pagtakbo ng produksyon sa ekonomiya ng bansa sa kabila ng dagok dulot ng COVID-19 pandemic, Iginiit ni Department of Agriculture (DOA) Secretary William Dar na mag-iimport pa rin ng mga produkto ang Pilipinas mula sa ibang bansa, pero yun lamang mga wala sa lokal na merkado ang bibigyan ng clearance.

Binigay na halimbawa ng kalihim ang mga de-boned chicken gamit ang makina para sa mga food processing companies, dahil wala nito sa lokal na pamilihan.

Kasalukuyan namang sinusuri ng DOA ang pagpapatupad ng Plant, Plant, Plant program na naglalayong magbahagi at magproduce ng mga de-kalidad na binhi para sa agrikultura ng bansa, pasulungin ang paggamit ng teknolohiya para sa benepisyo ng mga lokal na magsasaka.

bottom of page