top of page

DA Secretary Dar, Kinomendahan ang mga LGU sa Kanilang Pagsuporta sa Lokal na Agrikultura


Kumpiyansa at pagmamalaking binigyang komendasyon at papuri ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang mga Local Government Unit (LGU) sa iba't ibang mga probinsya at lalawigan sa bansa, sa isang interbyu na kaniyang pinaunlakan sa programa ng Radyo Pilipino na Pulsong Pinoy.

Ayon sa kalihim, ang pagtangkilik ay patuloy na pagsuporta ng mga alkalde at gobernador sa lokal na pagsasaka at pangingisda sa kani-kanilang nga lungsod at probinsya upang maipamahagi sa iba bilang mga relief products, ay isang kapuri-puring bagay na dapat bigyang pasasalamat. Siniguro din ni Dar na magpapatuloy ang close coordination ng DA at ng mga lokal na pamahalaan sa mga usaping may kinalaman sa agrikultura.

Inilabas ng kalihim ang pahayag na ito matapos matalakay ang usapin may kaugnayan sa food supply ng mga area na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, na kasalukuyang nasa ikalawang linggo na. Dagdag ni Dar, walang dapat ipag-alala ang mga mamamayan sa supply ng mga basic commodities dahil nagsisikap ang kagawarang pang-agrikultura at ang local governments sa pagbibigay ng serbisyo sa mga namamayan. Samantala, hindi naman dapat asahan ang malawakang pagtaas ng nga pangunahing pagkain gaya ng bigas at gulay, ayon sa kalihim, at sinabi nitong ang pagtaas ng presyo ng pagkain sa merkado ay hindi ang pangunahing dahilan sa inflation na nangyari sa nakalipas na tatlong buwan.



bottom of page