DOE, Patuloy na Umaaksyon para sa Nuclear Energy Program ni Pangulong Duterte

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Energy (DOE) sa mga eksperto sa buong mundo upang mapunan ang pangangailangan ng kagawaran sa executive order (EO) ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkakaroon ng nuclear energy ng bansa.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ang EO 116 ay naglalayong magpasimula ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) na pangungunahan ng DOE, at ng Department of Science and Technology (DOST) bilang vice-chair.
Ang inter-agency body na ito ay magcoconduct ng mga pag-aaral at pananaliksik sa pagkakaroon ng National Position sa isang Nuclear Energy Program (NEP), at nakatakdang magbigay ng initial report sa Office of the President sa loob ng anim na buwan o sa Januray 2021.