• Estephany Rivera

Doggy Delivery, Tampok ng isang Tindahan sa Colombia


Photo from Luis Benevides

Imbes na delivery boy, isang delivery dog ang naghahatid sa mga purchased goods ng mga mamimili sa El Porvenir mini-market sa Colombia.

Dala-dala ng walong taong gulang na Chocolate Labrador Retriever na si Eros ang mga delivery sa kagat niyang hinabing basket.

Ayon sa amo ni Eros na si Maria Natividad Botero, natutulungan raw ng aso ang pagpapanatili ng social distancing sa komunidad at nagugustuhan na ng mga customer sa tuwing si Eros ang nagdedeliver.

Bagamat di raw nakakapagbasa ng address si Eros, natatandaan raw niya ang mga pangalan at address ng mga taong dati ng nagbigay sa kaniya ng pagkain.

Paalala lang ni Botero na matakaw raw ang aso at hindi aalis sa bahay ng customer hanggat hindi nabibigyan ng kaniyang tip na doggy treats.