DOH at Red Cross Nangangailangan ng Blood Donations

Nangangailangan ng blood donations ang Department of Health at Philippine Red Cross dahil nagkakaubusan na ng supply ng dugo ang dalawang ahensya dahil sa global pandemic na kasalukuyang nararanasan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kabila ng COVID-19 crisis ay hindi naman aniya tumigil ang ibang sakit ng ating kababayan at maging ang pangangailangan sa dugo.
Sinabi naman ni Sen. Richard Gordon, ang kakulangan sa supply ng dugo ay maaring maglagay sa panganib ng ibang pasyente at mga hindi inaasahang aksidente.
Dagdag ni Gordon, kinakailangan niya ang tulong ng publiko para sa blood donation dahil may mga lubos na nangangailangan nito sa iba’t ibang ospital sa buong bansa.
Sa mga may nais mag-donate ng kanilang dugo ay maaring tumawag sa hotline ng Philippine Red Cross ngunit hindi papayagan ang mga may travel history hangga’t hindi natatapos ang kanilang 14 araw ng quarantine.