DOH, Inilabas ang Suggested Retail Prices Para Sa Mga Face Shields

Matapos ipatupad ng pamahalaan ang mandatoryong pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong sasakyan at lugar simula ngayong August 15 ay naglabas ang Department of Health (DOH) ng suggested retail prices (SRP) para sa pagbebenta ng mga ito.
Dahil sa demand ng face shields sa merkado ay naglabas ng memorandum 2020-035 ang DOH kung saan nakasaad ang dapat kalidad ng produkto at presyo na umiikot lamang mula P26 hanggang P50 kada piraso.
Upang matukoy ang halaga ng bawat face shields ay nagsagawa ng isang informal local survey ang DOH sa ilan sa mga drugstores at online shops sa bansa kung magkano nga ba ang bentahan nito sa merkado.
Bukod sa pagsusuot ng face mask ay kabilang na rin ang mandatoryong pagsusuot ng face shields bilang karagdagang proteksyon kontra sa pagkalat ng nakakahawang sakit.