top of page

DOH, Nagbabala Kontra sa Paggamit ng Anti-Parasitic Drug sa COVID-19


Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa paggamit ng isang anti-parasitic drug na Ivermectin bilang panlunas at pigilan ang sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Naglabas ng pahayag ang ahensya matapos umano ireseta ng ilang doktor ang naturang treatment bilang paggamot sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) at ng ethics review board ang nasabing treatment drug.

Ani Vergeire, nakadisenyo ang Ivermectin bilang paggamot sa external parasites gaya ng kuto at iba pang skin condition.

Binalaan naman ng opisyal ang lahat ng doktor na gumagamot ng COVID-19 patients na hindi sumasailalim sa tamang regulatory process, dahil maari itong makasama sa kanilang kalusugan at wala pa namang sapat na ebidensya na maaring gamitin ang Ivermectin bilang panlunas sa sakit.

bottom of page