DOH, Nagbabala sa Maling Paggamit ng UV Lights

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa maling paggamit ng UV (ultra violet) lights bilang disinfection sa ilang mga kagamitan kontra sa sakit na maaring dala nito dahil posibleng makaapekto ito sa kalusugan ng tao.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, lubos na nakakaapekto ang UV lights sa palagiang paggamit nito sa kalusugan ng tao lalo na sa mata, dahil maaari umano masira ang cornea ng tao sakaling magkaroon ito ng severe exposure sa naturang ilaw.
Ani Vergeire, maaring mairita ang mata, masunog ang balat, at mayroong masamang epekto sa respiratory system ng tao sa matagalang paggamit nito.
Matagal na aniyang ginagamit ang UV lights para sa pag-disinfect ng mga kagamitan sa ospital, ngunit mas mainam kung mayroong sapat na pagsasanay at kaalaman ng sinumang gagamit nito.