DOH, Naghahanap ng 10,000 na 'Substitute' Kapalit ng mga Frontliners

Sa gitna ng tuwirang pagsasabi at pagpapahayag ng mga health workers ng kanilang pagod at pagkahapo dahil sa lumolobong bilang ng COVID-19 infected sa bansa, layon ng Department of Health (DOH) na humanap ng nasa 10,000 na mga substitute kapalit ng mga kasalukuyang medical workers at frontliners.
Ipinahayag ito ni Undersecretary Leopoldo Vega nang i-launch ang One Hospital Command Center at sinabing hindi susuko si Juan dela Cruz sa laban na ito, kundi, maghahanap ang kagawaran ng bagong recruits upang mapanatili ang efficiency ng mga health workers.
Samantala, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sickness benefit na P10,000 hanggang P15,000 para sa mga health workers na magiging positibo sa COVID-19 at patuloy pa din na naghahanap ang DOH ng mga posibleng benepisyo at incentives para sa mga ito.