DOH Naglaan ng P18M para sa Trial ng Anti-viral Drug Avigan Laban sa Covid-19
Naglaan ang Department of Health (DOH) ng P18 milyong piso para sa anti-viral medication Avigan laban sa mga pasyente ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.
Sa isang ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso, sinabi niya na mayroong nang tatlong lugar kung saan uumpisahan ng DOH ang trial pero hindi nito nilinaw kung saan.
Ayon sa DOH, sisimulan ang trial ng anti-viral drug Avigan sa 100 COVID-19 patients at tiyak na susuplayan naman ito ng Japanese Government para maisagawa ang gagawing trial para sa mga pasyente.
Ang Avigan drug ay nagmula sa bansang Japan na minsan nang ginamit noon para gamutin ang influenza at ngayon ay ginagamit na rin para sa kasalukuyang pandemya na nararansan ng buong mundo.
Nauna nang ginamit ng China ang Avigan, naging maayos ang resulta at gumaling ang ilang pasyente mula sa bansang ito.
