DOH, Nagpaalala sa mga Magulang na Pabakunahan ang mga Anak Kontra Tigdas

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak ngayong mataas ang posibilidad ng outbreak ng tigdas sa darating na 2021.
Sa naganap na press briefing kasama si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ipinahayag nito ang kahalagahan ng pagpapabakuna at binalaan ang mga magulang sa maaaring komplikasyon na hatid ng tigdas na posibleng mauwi sa pagkamatay kaya hinikayat nito na mabakuhanan ang mga anak sa mas lalong madaling panahon.
Dagdag ni Vergeire, nakadagdag sa pangamba ng mga magulang ngayon ang pandemyang kinakaharap ng bansa kaya ang iba ay takot pumunta sa health centers upang pabakunahan ang kanilang mga anak.
Mula sa naitalang datos ng ahensya ay tinatayang 2.4 milyong kabataan ang itinuturing na “vulnerable” o mataas ang panganib na magkaroon ng tigdas.