DOH, Nilinaw na Hindi pa Aprubado ang Omnibus Guidelines On COVID-19 Testing


Nilinaw ng Department of Health na wala pang kasiguraduhan ang pagpapatupad ng Omnibus Guidelines on COVID-19 Testing matapos ibahagi ng TruLaboratories Corporation sa kanilang social media post ang pagpayag ng ahensya sa paggamit ng Antigen Test Kits na kabilang umano sa naturang panuntunan.

Ayon sa DOH, bagama’t inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng ilang antigen kits sa bansa ay wala pa aniya silang ineendorsong brand o distributor.

Hinimok naman ng ahensya ang publiko na maging maingat sa pagkalap ng impormasyon at suriin itong mabuti. Hinikayat naman ng DOH na bisitahin ang kanilang official website at social media accounts para sa mga bagong updates ng kagawaran.