top of page

DOH Nilinaw na nasa First Wave parin ang COVID-19 Pandemic sa Bansa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kasalukuyan paring nararanasan ng bansa ang first wave ng COVID-19 pandemic matapos umani ng confusions ang publiko mula sa naging statement ni Health Secretary Franciso Duque na nasa second wave na ng virus umano ang bansa.

Sa ngalan ng DOH kinumpirma ni Assistant Health Secretary Beverly Ho na nasa first wave parin ang Pilipinas sa pandemyang nararanasan gawa ng local community transmission na nagsimula noong nagkaroon ng reported cases ang ahensya ng mga walang exposure sa positive cases at travel history.

Matatandaang noong March 31 ay pumalo sa 538 kabuuang bilang ang naging kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw, ngunit bahagyang bumaba ito makalipas ang mga sumunod na araw at dahil dito idineklara ng ahensya na nasa first wave na ng epidemic ang bansa.

Samantala, nagbabala ang Malacañang na magpapataw muli sila ng panibagong lockdown kung sakaling tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 matapos luwagan ang mga panuntunan ng quarantine sa buong bansa.



bottom of page