• Tj Ovivir

DOJ, Iimbestigahan ang Talamak na Fake Accounts sa Facebook


Photo is for illustration purposes only.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice upang ma-locate at ma-trace ang mga nagsisikalat na fake o dummy accounts sa Facebook.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na makikipag-ugnayan ang Department of Justice Office of Cybercrime sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mas mapaigting ang pagsusuri sa mga account na ito.

Dagdag pa ni Guevarra, nagdudulot ang mga ito ng pangamba sa mga mamamayan gayung nakararanas ang bansa ng krisis dahil sa pandemya at may posibilidad na lumaganap at makapinsala ang false information.

Kasalukuyang nagliliparan ang mga fake accounts matapos magkaroon ng kabi-kabilang kilos-protesta sa social media laban sa ipinapanukalang anti-terrorism bill.