top of page

DOLE, Maglalaan ng Tinatayang 10k Trabaho para sa mga Nasalanta ng Bagyo sa Isabela at Cagayan


Nakalaan ang tinatayang 10,000 trabaho para sa mga residente ng lalawigan ng Cagayan at Isabela hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng TUPAD program na labis naapektuhan ng matinding baha sanhi ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.


Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, maaring nang tumanggap aniya ang mga pamahalaan panlalawigan ng mga manggagawa sa ilalim ng TUPAD upang masimulan na ang pagsasaayos at pagpapabuti ng mga apektadong lugar sa naturang mga lungsod gaya ng mga nasirang imprastraktura o mga nagkalat na debris.


Ang TUPAD ay isang emergency livelihood program ng DOLE na may layong magbigay ng trabaho sa mga nangangailangan at makatulong sa mga pangangailangan ng publiko gaya ng paglilinis at pagsasaayos ng isang bayan o lalawigan.

bottom of page