Domestic Commercial Flights, Balik na Ngayong Hunyo 5!

Inaprubahan na ang muling pagbabalik operasyon ng domestic flights simula ngayong Hunyo 5 sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa mas pinaluwag na restriksyon ng quarantine sa ibang parte ng bansa.
Aprubado ni Chief implementer ng bansa laban COVID-19 Secretary Carlito Galvez ang muling pagbiyahe ng domestic commercial flights sa NAIA ngunit GCQ-to-GCQ ang magiging istilo nito,
Nilinaw ni Department of Transporation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na maari lamang makapunta sa mga lugar na parehong nasa ilalim ng general community quarantine.
Dagdag ni Tugade, dapat suportahan ng mga Local Government Units (LGUs) ang resumption ng domestic commercial operation sa kanilang nasasakupan.
Sinabi naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydioco, kailangan kumuha ang mga airlines ng verification at confirmation ng concerned authorities kung papayag ang mga ito na mag-resume ang operasyon ng paliparan sa kanilang lugar.
Samantala, suspendido parin ang regular commercial air travel sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine at general community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.