top of page

Domestic Flight, Bawal muna Ngayong Linggo!


Photo is for illustration purposes only.

Wala munang domestic flights ang iba’t ibang airlines sa unang linggo ng Hunyo kahit pa maluwag na ang mga restrictions ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang parte ng buong bansa.

Kasunod ito ng pag-anunsyo ng Philippine Airlines na muling magbubukas ang kanilang paliparan ngayong Hunyo matapos ang tatlong buwan na suspensiyon dahilan ng COVID-19 ay agad na kinansela muna ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang pagbabalik operasyon ng mga airlines sa buong bansa.

Ayon kay CAB Executive Director Carmelo Arcilla, sa inisyu na advisory ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) hindi pa aprubado ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbubukas ng local travel routes sa unang linggo ng Hunyo.

Samantala, limitado parin ang international flights papunta sa United States, Canada, Guam, Vietnam, Mainland China, Malaysia, Indonesia, Hong Kong, Taipei, Singapore, Japan, United Arab Emirates at Saudi Arabia mula June 1 hanggang June 30.

Magbabalik naman ang domestic services sa Maynila sa darating na June 8.

bottom of page