Dormitoryo, Hatid ng DPWH para sa Medical Personnel ng Lung Center of The Philippines

Hatid ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dormitoryong pansamantalang tutuluyan ng mga medical personnel ng Lung Center of the Philippines na siya ring nakapwesto sa nasasakupan ng hospital compound sa Quezon City.
Ilalaan ang dalawang unit ng dormitoryo ng DPWH sa ilalim ng kanilang programang “We Heal as One Offsite Dormitory for Medical Personnel” upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng tinaguriang frontliner ngayong panahon ng pandemya.
Mayroong maayos at sapat na kasangkapan ang bawat kwarto sa loob dormitoryo.
Pinangunahan nina LCP Dr. Gloanne Adolor ng management services, Dr. Antonio Ramos ng administrative services at DPWH Task Force Bureau of Maintenance director Ernesto Gregorio Jr. ang naganap na turnover ceremony ng naturang gusali.