Dormitoryo para sa mga Health Workers, Binuksan sa Quezon City


Matagumpay na binuksan ang karagdagang dormitoryo para sa mga healthcare workers ng Quezon City sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Itinayo ang dalawang bagong dormitoryo sa loob ng Quezon Memorial Circle kung saan kaya nitong tumanggap ng 64 medical doctors at staff at may sapat at maayos na kagamitan na kalimitang nakikita sa loob ng isang tirahan.

Kabilang ang QMC dormitory sa mga itinayong temporary shelters ng city government ng Quezon, ang ilan ay nasa lugar ng National Kidney Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center at Children’s Hospital.