top of page

DOST Pinangunahan ang Paghahanap ng Lunas para sa COVID-19

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Jr. na dalawang clinical studies ang pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) upang makahanap ng lunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa unang pag-aaral, na isinasagawa ng Philippine General Hospital (PGH), tinitignan nila ang potensyal ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang supplemental therapy sa iba pang medikasyon na ibinibigay sa COVID patients. Samantalang sinusuri naman DOST - Food and Nutrition Research Institute ang epekto ng VCO at mga derivatives nito sa pagsugpo o pagbawas sa kakayahan ng virus na sumalin sa ibang tao. Sinabi rin ni Roque na nakikipagtulungan na ang bansa sa mga World Experts sa pagbuo ng vaccine at pakikisapi sa sa World Health Organization Solidarity Trial na mag-tetest sa kaligtasan at effectivity ng iba’t ibang gamot o vaccine para sa COVID. Maliban dito, patuloy rin ang pag-aaral ng mga eksperto sa herbal drugs na lagundi at tawa-tawa laban sa virus. Aniya, ilan lamang ang mga ito sa all-off-government na hakbang ng pamahalaan upang masugpo na ang COVID-19 pandemic sa bansa.


bottom of page