DOT, Papayagan na ang ‘Staycation’ sa mga GCQ Areas

Pinayagan na ng Department of Tourism ang ‘Staycation’ sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine upang buhayin ang turismo ng bansa sa kabila ng krisis na kasalukuyang kinakaharap gawa ng pandemya.
Naglabas ng pahayag ang DOT kung saan pormal nilang inanunsyo na pumayag ang Inter-Agency Task Force for the Management on Emerging Infectious Diseases sa kanilang isinumiteng rekomendasyon na muling payagan ang staycation sa mga GCQ areas ngunit wala pang linaw kung kailan ito magsisimula.
Ayon sa DOT, papayagan lamang ang publiko na mag-staycation sa isang lugar basta’t mahigpit nitong nasusunod ang mga panuntunan ng local government units upang makaiwas sa hindi inaasahang suliranin.