DOTr Nagbabala sa Plastic Divider sa mga Motorsiklo

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa paggamit ng mga plastic dividers sa pagitan ng dalawang tao sa isang motorsiklo bilang pagsunod sa mahigpit na panuntunan sa physical distancing.
Ayon kay DOTr senior consultant Alberto Suansing, hindi ito ligtas na paraan para sa pagpapatupad ng physical distancing sa mga motorsiklo dahil maaring itong lumipad aniya kapag matulin ang takbo ng drayber at maaring humantong sa hindi inaasahang aksidente.
Dagdag ni Suansing, kasalukuyan paring pinag-aaralan ng kanilang ahensya kasama ng technical working group ang nasabing proposal sa pagpapatupad ng physical distancing sa mga motorsiklo gamit ang mga plastic dividers.
Samantala, pinagbabawalan parin ang motorcycle taxi operation hangga’t hindi ito pinapayagang umarangkada muli sa kalsada.