DPWH, Pormal nang Binuksan ang Mega Quarantine Facility sa Calamba, Laguna


Photo from DPWH

Matagumpay ang pagbubukas ng mega quarantine facility sa lungsod ng Calamba, Laguna matapos itong pasinayaan ng Department of Public Works and Highways nitong Sabado, ika-14 ng Nobyembre.

Dumalo si DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar sa ginanap na ceremonial blessing at turn-over ceremony ng naturang pasilidad kay Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco sa Calabarzon Regional Government Center.

Ayon sa kalihim, mayroong 600 bed capacity ang mega quarantine facility sa naturang lungsod, nakalaan ang 550 para sa mga positibo, at itinuturing na mild at asymptomatic na pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang nalalabing bilang naman ay ilalaan para sa mga medical frontliners na siyang mangangasiwa sa kalagayan ng mga pasyente at maging sa naturang pasilidad.

Itinuturing naman na pinakalamalaking quarantine facility sa buong rehiyon ng Southern Tagalog ang itinayong pasilidad sa naturang lugar.